Ulo ni Asec hiningi ng mga congressman

Dahil sa pagtawag na ‘baboy’ ang mga congressman, tinanggal sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Assistant Secretary Lorraine Marie Badoy.

Ito umano ang dahi­lan kung bakit biglang tinangga­l sa DSWD si Badoy at inilipat sa Presidential­ Communications­ Operations Office (PCOO) at bigyan ng puwesto bilang Undersecretary for New Media.

Sa impormasyong nakalap ng Abante, nagalit daw ang mga kongresista kay Badoy nang mabasa ang mga ipinost nito sa Facebook na baboy ang mga kongresista.

Nang isalang sa plenar­y deliberation ang panukalang budget ng DSWD, harapan daw na sinabihan ng mga kongresista si Badoy na magbitiw sa puwesto dahil sa mapanirang post ng kilalang blogger at Duterte supporter.

Ilang beses daw na inung­kat ng mga kongresista ang pinost ni Badoy sa Facebook na baboy ang mga mambabatas sa Kamara.

Nagmatigas pa raw si Badoy na manatili sa puwesto­, pero ang mga nakatataas na opisyal ay naalarma dahil baka maipit ang kanilang panukalang budget.

Dahil dito, pinadalha­n ng text message ng regiona­l directors si Bado­y na magbitiw na lamang sa puwesto upang hindi madamay ang DSWD.

“Sir the position of RDs is to advise assec Badoy to submit an irrevocable resignation. She has to save DSWD from further humiliation and embarrassment from a long plenary discussing her instead of budget next week,” ayon sa text message ng isang regional director na nasagap ng Abante.

 

Source: https://www.abante.com.ph/ulo-ni-asec-hiningi-ng-mga-congressman.htm

You May Also Like

One thought on “Ulo ni Asec hiningi ng mga congressman

  1. Hi METRO Balita,

    I saw you tweeting about gaming and I thought I’d check out your website. I really like it. Looks like METRO Balita has come a long way!

    Building a mailing list like you are is so important too, I think people would really like to be signed up to what you have to share.

    Good job on the social buttons, social media is so powerful these days

    You should consider installing an SEO plugin like Yoast or something, theres loads of good free ones.

    Also places like supa growth make free software for websites like yours, be worth checking out.

    http://linkshrink.net/7dgYuH

    Keep making great stuff!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com