Vice President Ng PDP-Laban at SecGen Ng MRRD-NECC CDO Nagbantang Papatay Ng Dilawan

Nagbanta na papatay ang Vice President ng PDP-Laban at Secretary General ng MRRD NECC ng Cagayan De Oro na si Mr. Alex Paurom.

Sa kanyang Facebook Post sinabi nya na kasama ang mga umbrella groups at 19 Million na sumusuporta kay President Duterte ay may sapat na silang lakas at puwersa na naghihintay na lamang ng Go Signal para patayin ang mga hindi sumasang ayon sa pangulo na tinawag niyang Yellow Chicken.

Ayon sa ating mga researchers ay lehitimo ang Facebook Account ni Alex Paurom na siyang nagpost ng mga pagbabanta.

Agad naman ito umani ng batikos sa mga netizens at ang iba naman ay nagpahiwatig ng pagsuporta kay Paurom at sinasabing papasukin nila at mamamaril sa isasagawang mga protesta sa September 21.

Hanggang sa mga oras na ito ay walang inilalabas na pahayag ang PDP Laban at ang MRRD NECC patungkol dito.

Original Post: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10208236905240666&id=1843736610

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com