“We Deserve Better”, #FireMocha Trending Sa Twitter

Manila Pilipinas – “We deserve better”

Ito ang panawagan ng mga netizens na nananawagang tanggalin sa puwesto bilang Assistant Secretary ng PCOO si Mocha Uson matapos magpost sa kanyang twitter account ng isang litrato kung saan pinangalanan nya sina Vice President Leni Robredo, Sen. Bam Aquino, Sen Antonio Trillanes at Sen. Risa Hontiveros, Aniya kailan daw dadalawin ng mga nabanggit na pangalan ang isang Intel na Pulis na napatay sa Drug Bust na ang naka screenshot ay balita mula sa Philippine Daily Inquirer at napag alaman na isang taon na pala itong nakalilipas.


Dahil dito agad na kumalat sa mga netizens ang nasabing post na agad naman dinelete ni Mocha Uson pero nagsimula na ang panawagan ng mga galit na netizens gamit ang hashtag na #FireMocha.

Matatandaang ilang beses nang binibira ni Mocha Uson sina VP Leni, Sen Bam, Sen Risa at Sen Trillanes at ang huling pagbatikos nya sa mga nabanggit ay ang pagdalaw ng mga ito sa Biktima ng EJK na si Kian Delos Santos.

Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy ang pagtrending sa No. 1 Philippine Trends ng Twitter ang Hashtag.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com