Wow Mali!: Sa Pagbasura Ng Kaso; Nagpupuyos Na Damdamin Sa Galit Noon, Siya Namang Pagtatanggol Ngayon

Tila na Wow Mali ang mga senador na nag imbestiga, mga tagasuporta ng Pangulo kasama na ang mga tagapanguna ng mga DDS (Duterte Die Hard) na sina Mocha Uson, Sass Rogando Sasot, Rj Nieto, etc pati na ang mga naniniwalang Drug Lord nga sina Peter Lim, Kerwin Espinosa na umamin pa sa isinagawang imbestigasyon ng Senado at iba pa.

Matatandaang nitong nakaraang araw lamang ay ibinasura ng Department of Justice ang mga kasong nakasampa laban sa mga nasabing Bigtime Druglord kung saan ang nagdulot pa nga ito ng malaking issue dahil sa pagkakapatay sa kulungan ng tatay ni Kerwin, pagkakadawit ng pangalan ni Sen De Lima at naungkat na kumpare ng pangulo si Peter Lim.

Samantala naghain naman ng motion for reconsideration ang PNP patungkol sa pagbasura ng DOJ sa Drug Case.
Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, gagawin ng PNP ang lahat ng legal na paraan para mapanagot ang mga tao na sangkot sa sindikato.

Sa reklamo ng CIDG, si Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co at ilan pang mga personalidad ay magkakasangkot sa nangyayaring pinakamalaking drug operation sa Visayas.

Si Kerwin Espinosa, na anak ng napaslang na Albuera mayor Rolando Espinosa, ay isang self-confessed drug dealer.

Si Peter Lim naman ang umano’y Cebu-based drug king-pin na tinukoy ng Pangulo bilang pinakamalaking drug lord sa bansa.

Habang Si Peter Co, ay kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison at umano’y kasama sa mga nagpapatakbo ng drug trade mula sa loob ng Bilibid.

You May Also Like

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com